FORT VICTORIA ANOMALY WAS FAILED TO PROVE BY ANTONIO EBANGELISTA(“the necessity of proof always lies with the person who lays charges”)

Ako po si  Mr. Allan Valenzuela. Ako po ay hindi isang Ministro o Mangagawa sa loob ng Iglesia ni Cristo kundi isang karaniwang kaanib lamang. Ang layunin po ng paggawa ko ng blog na ito ay upang maibahagi ang aking opinyon ukol sa akusasyon ng naninira sa Pamamahala ng Iglesia ni Cristo na nagtatago sa “pseudonym” na Antonio Ebangelista.  Hindi naman marahil mali na sabihin natin na si Antonio Ebangelista ay isang itiniwalag sa Iglesia ni Cristo dahil sa paglabag sa mga aral sa Iglesia o isang kaaway sa pananampalataya. Kung bakit natin nasabi na hindi naman marahil na mali na ituring natin siyang gayon ay sapagkat hindi naman niya inilalantad ang kanyang sarili kung sino talaga siya. Hindi dapat ipagdamdam ng sinuman na sabihing gayon si Antonio Ebangelista sapagkat pananagutan niyang ipakilala ang kanyang sarili sapagkat ang isang bagay na ating sinasabi sa madla laban sa isang tao o grupo ng mga tao o laban sa isang organisasyon ay may kalakip na pananagutan sa batas. Kung totoo na katotohanan ang ating isinasaysay, nakahanda tayong managot sa lahat ng ating mga inihahayag.  Kaya nagtataka ako kay Antonio Ebangelista na diumano ay nagsasabi ng mga katotohanan subalit hindi niya kayang panagutan ang kanyang mga sinasabi. Kaya hindi rin mali na sabihin marahil na ang mga sinasabing ito ni Antonio Ebangelista ay ISANG PANINIRA LAMANG sapagkat hindi siya nakahandang managot sa lahat ng kanyang mga sinasabi. Ang aking ilalahad ay hindi opisyal na sagot ng Pamamahala ng Iglesia ni Cristo kundi aking pong personal na opinyon batay sa mga akusasyon na ibinabato ni Antonio Ebangelista laban sa Pamamahala ng Iglesia ni Cristo.

Para po sa kaalaman ng marami, ang “Burden of Proof” o ang “Bigat ng Pagpapatunay” ay nakasalalay sa nagbibigay ng akusasyon. 

The burden of proof is often associated with the Latin maxim semper necessitas probandi incumbit ei qui agit, the best translation of which seems to be: “the necessity of proof always lies with the person who lays charges. (http://en.wikipedia.org/wiki/Legal_burden_of_proof)

Kung gayon mga kaibigan at mga kapatid, ang “Burden of Proof” ay nakasalalay o obligasyon ni Antonio Ebangelista sapagkat siya ang nasa panig ng nagbibigay ng mga akusasyon laban sa Pamamahala ng Iglesia ni Cristo. Kung ang isang akusayon o alegasyon na nakasulat na laban sa kaninuman ay walang bigat ng pagpapatunay, ito ay maituturing na “defamation” at kung ito ay ginawa sa publiko ay maituturing na “libel”. Ito marahil ang dahilan kung bakit ayaw lumantad ni Antonio Ebangelista at ng mga kasama niya na gumagamit ng mga fake account sa Facebook.  Pero sa ngalan ng katotohanan ay ating sukatin ang isa sa mga akusayon ni Antonio Ebangelista laban sa Pamamahala ng Iglesia ni Cristo.

Ang ukol sa kanyang artikulo na :

IGLESIA NI CRISTO + SAN JOSE BUILDERS = FORT VICTORIA ANOMALY (HIGH-END CONDOMINIUM)” na ipinublished noong May 14, 2015.

Ano ang ipinahayag ni Antonio Ebangelista ukol sa isyung ito?

“Sa bahagi po ng lektura ng Kapatid na Glicerio B. Santos Jr. ay kaniyang ipinagdidiinan na “WALANG ANOMALYA SA PANANALAPI NG IGLESIA! PURO KAYO PANINIRA! WALA NAMAN KAYONG EBIDENSYA! WALA! WALA KAYONG NALALAMAN KATITING MAN! WALA!”

“Wala nga ba talagang anomalya kapag ang isang Religious Institution na non-commercial at non-profit organization ay makipag- JOINT VENTURE sa isang COMMERCIAL and PROFIT-MAKING COMPANY gaya ng SAN JOSE BUILDERS?

Wala ba talagang ANOMALYA kung ang nagmamay-ari ng isang Exclusive High-End Condominium sa 5th Avenue corner Rizal Drive, Global City, Taguig City (Fort Bonifacio) ay ang IGLESIA NI CRISTO. At ito ay naka-Joint Venture sa San Jose Builders Inc.”

Dito ay pinararatangan ni Antonio Ebangelista ang Iglesia ni Cristo na may anomalya sa pananalapi. Ang katunayan ay tinawag niya ito na “Fort Victoria Anomaly” batay sa pamagat ng artikulong ito.

Ano ba ang isa sa kahulugan ng tinatawag na anomalya o anomaly?

“deviation from the common rule : irregularity (http://www.merriam-webster.com/dictionary/anomaly)

Ang isang kahulugan ng anomalya ay “iregularidad” o “paglihis sa karaniwang tuntunin o patakaran”. 

Para patunayan ni Antonio Ebangelista ang diumano ay anomalya ng Iglesia ni Cristo sa pananalapi nito ay kanyang ipinakita ang larawan ng “LICENSE TO SELL” na inisyu ng Housing And Land Use Regulatory Board.

1

2

3

Ayon pa sa pahayag ni Antonio Ebangelista at hindi niya napansin na siya mismo ang nagpapasinungaling sa sinasabi niyang anomalya ng Iglesia ni Cristo sapagkat siya mismo ang nagpapatunay na ang binabanggit niyang property ay pagmamay-ari ng Iglesia ni Cristo.

Ang INC ang nagmamay-ari ng buong FORT VICTORIA CONDOMINIUM na mayroong ibinebentang High-End na 1,094 Residential Condo Units, 20 High End Commercial Units, 1,179 Parking Spaces.”

Para patunayan pa na ang nasabing “License To Sell” ay nasa record ng HLURB website ay kanya pa pong ipinaskil ito:

4

Pagkatapos nito ay kanyang sinunod na ipost ang mga diumano’y nakabili ng High End Units sa nasabing Condominium:

5

Pansinin po natin mga kaibigan at mga kapatid, ang nailalabas pa lang po niya ay larawan ng “LicenseTo Sell” na inisyu ng HLURB at ang listahan ng mga diumano’y existing unit owner. Samakatwid, WALA PA PO siyang naililitaw na katibayan na ang pagiging “PROJECT OWNER” ng Iglesia ni Cristo at ang pagiging “Developer” ng New San Jose Builders sa nasabing Fort Victoria ay isang ANOMALYA. Sana ang ginawa ni Antonio Ebangelista para naman nagkaroon ng matibay na pundasyon ang kanyang akusasyon ay naghanap siya ng referencia o kaya ay nag-quote man lang siya ng “Batas” na ipinagbabawal sa isang religious corporation na mag-acquire ng gayong uri ng property para mapatibayan niya na may “irregularidad” o anomalya nga sa Iglesia ni Cristo. Obligasyon niyang ipakita ‘yun sapagkat siya ang nag-aakusa ng diumano’y anomalya laban sa Pamamahala ng Iglesia ni Cristo. Pananagutan niyang patunayan na ang pagpapapatayo ng isang real estate project halimbawa ng isang religious organization at ang kinontrata niyang magtatayo ay isang private company or private construction firm gaya ng New San Jose Builders ay isang ANOMALYA o IREGULARIDAD.

Tandaan po natin na nasa kanya ang “Burden of Proof” sapagkat siya ang nag-aakusa na mayroong anomalya sa Iglesia ni Cristo. Kung wala siyang maililitaw na ebidensya na ang ganitong transaction ay isang anomalya, nangangahulugan lang na NANINIRA LAMANG si Antonio Ebangelista.

Ano pa ang mga sinabi at ipinakitang larawan ni Antonio Ebangelista na diumano ay katibayan na may anomalya sa Iglesia ni Cristo?

“Ano nga bang itsura ng mga condo na ito? Baka naman nagkakamali lang tayo, hindi naman yata Condo units ang ipinatayo dito dahil sa lupa ito ng IGLESIA at nakapangalan ito sa Iglesia Ni Cristo? Baka naman kapilya ito o kaya naman ay District Office ang ipinatayo dito?

*Cue Slide Show*

6

7

8

9

10

11

Play Audio Clip: “WALANG ANOMALYA SA PANANALAPI NG IGLESIA! PURO KAYO PANINIRA! WALA NAMAN KAYONG EBIDENSYA! WALA! WALA KAYONG NALALAMAN KATITING MAN! WALA!” – Kapatid na Glicerio B. Santos Jr.

SA HARAP PO NG MGA NAGSUSUMIGAW NA MGA EBIDENSYANG ITO, KAYO NA PO ANG MAGPASYA KUNG KUNG ALIN ANG TAMA AT ALIN ANG MALI NA KANILANG MULING PAGSISIKAPANG PAGTAKPAN.”

Sana po ay napansin natin kung paano natapos ang pagpapatunay ni Antonio Ebangelista ukol sa kanyang akusasyon na may anomalya daw sa Iglesia ni Cristo. Mapansin po ninyo na WALA NI ISA MAN SA MGA NAILITAW ni Antonio Ebangelista ang nagpapatunay ng kanyang alegasyon na diumano’y may anomalya sa pananalapi ng Iglesia ni Cristo sa pamamagitan ng pagpapakita niya ng property ng Fort Victoria na napakaliwanag naman sa pamamagitan din ng kanyang ipinakitang larawan at sa kanyang pag-amin na ang nagmamay-ari ng nasabing propyedad ay ang Iglesia ni Cristo.. Kanya lamang ipinakita ang ‘License To Sell” na ang nakalagay na project owner ay ang Iglesia ni Cristo at ang developer ay ang New San Jose Builders, ang list ng mga existing unit owner nito at ang larawan ng nasabing Condominium. Wala siyang naipakita na katibayan na ‘yun ay isang anomalya.

Ang mga ipinakita pa nga ni Antonio Ebangelista ANG NAGPAPASINUNGALING SA KANYANG ALEGASYON. Kitang kita natin sa mga larawan na kanyang ipinost  at sa kanya mismong pag-amin, na MALINIS ANG PANANALAPI NG IGLESIA NI CRISTO.  Ang katunayan ay sa IGLESIA NI CRISTO nakapangalan ang pagmamay-ari ng nasabing propyedad. At papaanong magiging anomalya ang pagkakaroon nito ng Iglesia ni Cristo kung ito ay pasado sa itinatadhana na mga tuntunin at regulasyon ng ating  Gobyerno? Sana mga kapatid at kaibigan ay naglitaw siya ng katibayan na LABAG SA BATAS ng ating Gobyerno ang pagpapatayo n’on.  Hindi ba kaya nga may iniisyung “License To Sell” ang isa sa sangay ng ating Gobyerno na nangangasiwa ukol sa mga itinatayong subdivision, condominiums etc. katibayan na ito ay dumaan sa tamang proseso?   Wala ding nailitaw si Antonio Ebangelista na siyang may obligasyon na maglabas nito na ang nasabing Fort Victoria ay IKINOMERSIYO at IKINOKOMERSIYO NG Iglesia ni Cristo. Sana man lang ay naglabas si Antonio Ebangelista na ang nasabing propyedad ay ikino-commercialize ng Iglesia ni Cristo para naman masuportahan ang kanyang akusasyon at huwag lumitaw na PANINIRA LAMANG. Kung sa husgado haharap itong si Antonio Ebangelista at ganyang ebidensya lang ang kanyang ipi-prisinta ay tiyak na TALO si Antonio Ebangelista. Madi-dismiss ang kaso dahil sa “insufficiency of evidence”.

Ang pagkakaroon ng properties ng isang religious organization at nakarehistro bilang corporation sole batay sa aking opinyon ay hindi pinagbabawalan ng batas na magkaroon ng mga ito. Heto po ang katunayan:

Chapter II – RELIGIOUS CORPORATIONS

Sec. 109. Classes of religious corporations. – Religious corporations may be incorporated by one or more persons. Such corporations may be classified into corporations sole and religious societies.

Religious corporations shall be governed by this Chapter and by the general provisions on non-stock corporations insofar as they may be applicable. (n)

Sec. 110. Corporation sole. For the purpose of administering and managing, as trustee, the affairs, property and temporalities of any religious denomination, sect or church, a corporation sole may be formed by the chief archbishop, bishop, priest, minister, rabbi or other presiding elder of such religious denomination, sect or church. (154a)

(Corporation Code of the Philippines-http://www.chanrobles.com/legal5title13.htm#.VWXyB9Kqqko )

Batay din po sa aking opinyon ay hindi din bawal sa isang “non-stock corporation” ang magkaroon ng profit or income:

TITLE XI

NON-STOCK CORPORATIONS

Sec. 87. Definition. – For the purposes of this Code, a non-stock corporation is one where no part of its income is distributable as dividends to its members, trustees, or officers, subject to the provisions of this Code on dissolution: Provided, That any profit which a non-stock corporation may obtain as an incident to its operations shall, whenever necessary or proper, be used for the furtherance of the purpose or purposes for which the corporation was organized, subject to the provisions of this Title.

The provisions governing stock corporation, when pertinent, shall be applicable to non-stock corporations, except as may be covered by specific provisions of this Title. (n)

Sec. 88. Purposes. – Non-stock corporations may be formed or organized for charitable, religious, educational, professional, cultural, fraternal, literary, scientific, social, civic service, or similar purposes, like trade, industry, agricultural and like chambers, or any combination thereof, subject to the special provisions of this Title governing particular classes of non-stock corporations. (n)

(Corporation Code of the Philippines http://www.chanrobles.com/legal5title11.htm#.VWXy1tKqqko )

Kung hindi po ako nagkakamali, maging ang Panginoong Jesucristo ay hindi kalaban na palaguin o pasaganain yaong ipinagkatiwala o ipinamahalang pag-aari ng Panginoon batay sa mga talatang ito;

“Sapagka’t tulad sa isang tao, na nang paroroon sa ibang lupain, ay tinawag ang kaniyang sariling mga alipin, at ipinamahala sa kanila ang kaniyang mga pag-aari. At ang isa’y binigyan niya ng limang talento, ang isa’y dalawa, at ang isa’y isa; sa bawa’t isa’y ayon sa kanikaniyang kaya; at siya’y yumaon sa kaniyang paglalakbay. Ang tumanggap ng limang talento pagdaka’y yumaon at ipinangalakal niya ang mga yaon, at siya’y nakinabang ng lima pang talento. Sa gayon ding paraan ang tumanggap ng dalawa ay nakinabang ng ibang dalawa pa. Datapuwa’t ang tumanggap ng isa ay yumaon at humukay sa lupa, at itinago ang salapi ng kaniyang panginoon. Pagkatapos nga ng mahabang panahon, ay dumating ang panginoon ng mga aliping yaon, at nakipaghusay sa kanila. At ang tumanggap ng limang talento ay lumapit at nagdala ng lima pang talento, na nagsasabi, Panginoon, binigyan mo ako ng limang talento: narito, ako’y nakinabang ng lima pang talento. Sinabi sa kaniya ng kaniyang panginoon, Mabuting gawa, mabuti at tapat na alipin: nagtapat ka sa kakaunting bagay, pamamahalain kita sa maraming bagay; pumasok ka sa kagalakan ng iyong panginoon. At lumapit naman ang tumanggap ng dalawang talento at sinabi, Panginoon, binigyan mo ako ng dalawang talento: narito, ako’y nakinabang ng dalawa pang talento. Sinabi sa kaniya ng kaniyang panginoon, Mabuting gawa, mabuti at tapat na alipin: nagtapat ka sa kakaunting bagay, pamamahalain kita sa maraming bagay; pumasok ka sa kagalakan ng iyong panginoon. At lumapit naman ang tumanggap ng isang talento at sinabi, Panginoon, nakikilala kita na ikaw ay taong mapagmatigas, na gumagapas ka doon sa hindi mo hinasikan, at nagaani ka doon sa hindi mo sinabugan; At ako’y natakot, at ako’y yumaon at aking itinago sa lupa ang talento mo: narito, nasa iyo ang iyong sarili. Datapuwa’t sumagot ang kaniyang panginoon at sinabi sa kaniya, Ikaw na aliping masama at tamad, nalalaman mong ako’y gumagapas sa hindi ko hinasikan, at nagaani doon sa hindi ko sinabugan; Gayon pala’y ibinigay mo sana ang aking salapi sa nagsisipangalakal ng salapi, at nang sa aking pagdating ay tinanggap ko sana ang ganang akin pati ng pakinabang. Alisin nga ninyo sa kaniya ang talento, at ibigay ninyo sa may sangpung talento. Sapagka’t ang bawa’t mayroon ay bibigyan, at siya’y magkakaroon ng sagana: nguni’t ang wala, pati pa nang nasa kaniya ay aalisin sa kaniya.(Mateo 25:14-29-ADB)

Sa ganang aking opinyon ay NABIGO NA PATUNAYAN NI ANTONIO EBANGELISTA ang kanyang akusasyon na may anomalya sa ini-isyu niyang ito laban sa Iglesia ni Cristo at sa Pamamahala nito. Kaya hindi mali na sabihin na NANINIRANG PURI LAMANG SI ANTONIO EBANGELISTA LABAN SA IGLESIA NI CRISTO AT SA PAMAMAHALA NITO. Kaya sa takot ni Antonio Ebangelista na maihabla ng kasong kriminal dahil sa paninirang puri ay mas pinipili na lang niya ang hindi lumantad at magtago sa likod ng social media sites.

Sa nagtatanong naman po kung bakit hindi na lamang daw po Kapilya ang itinayo sa halip na Condominium project?

Ang akin pong sagot ay ito:

Ang pasya ng Pamamahala ay pinagtitibay sa langit, kaya WALA PO AKONG KARAPATAN NA KWESTIYUNIN ANG KANILANG PASYA.

“Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ang lahat ng mga bagay na inyong talian sa lupa ay tatalian sa langit: at ang lahat ng mga bagay na inyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.” (Mateo 18:18-ADB)

MATATALINO PO TAYO Mga Kapatid at Naniniwala po ako na hinding hindi makalulusot sa mga mananampalatayang Iglesia ni Cristo ang mga pambobola ni Antonio Ebangelista para papag-alinlanganin tayo sa Pamamahala ng Iglesia ni Cristo.

Maraming Salamat po sa pagbibigay ng pagkakataon na mabasa ang blog na ito.

ACV

 

 

Advertisements

One thought on “FORT VICTORIA ANOMALY WAS FAILED TO PROVE BY ANTONIO EBANGELISTA(“the necessity of proof always lies with the person who lays charges”)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s