Monthly Archives: June 2015

NO PROOF EVER! -Ang Muling Pandaraya ni Antonio Ebangelista sa kanyang artikulo na (The search for that BLACK GOLD called OIL – STILL NO PROOF?) part 1

Ako po muli si Allan Valenzuela, hindi po isang Ministro o Mangagawa sa loob ng Iglesia ni Cristo kundi isa lamang pong karaniwang kaanib. Nais ko lamang pong ilahad ang aking opinyon sa Artikulong ginawa ni Antonio Ebangelista at ipinublished noong May 23,2015. Gaya po ng aking nabanggit sa nakaraan, si Antonio Ebangelista ay maaaring isang tiwalag dahil sa karumal-dumal na paglabag o kaya ay isang kaaway sa pananampalataya. Hindi po maling isiping gayon kahit na nagpapakilala pa po siya na isang Ministro pa daw at may maselang tungkulin na hinahawakan sa Central ngayon. Ito po ay masasabi natin na ISANG PAGPAPANGGAP O KASINUNGALINGAN sa layunin niyang makaakit ng mga maniniwala sa kanya kaya niya ipinakikilalang gayon ang kanyang sarili.  Magkonklusyon man tayo ng gayon ay hindi mali sapagkat hanggang ngayon ay NATATAKOT SI ANTONIO EBANGELISTA na ilantad ang kanyang sariling katauhan. Ang isang tao na nagsasalita ng mga paratang o akusasyon sa madla ay may malaking pananagutan sa Batas. Pananagutan niya sa Batas na patunayan ito na ito’y hindi PANINIRANG PURI LAMANG. Kaya isang matalinong konklusyon na isipin na kaya hindi makalantad si Antonio Ebangelista ay sa TAKOT NA MALAMAN NG MADLA na siya ay NANINIRANG PURI LAMANG laban sa Pamamahala ng Iglesia ni Cristo.

Sa pagsusulat ni Antonio Ebangelsita ng nasabing artikulo ay halatang halata ang pagbibigay ng malisya o pandaraya ni Antonio Ebangelista upang mapalitaw na may matibay na batayan ang kanyang mga akusasyon laban sa Pamamahala ng Iglesia ni Cristo. Tama ang sinabi mo Antonio Ebangelista, HINDI KAMI BOBO AT TANGA para hindi namin makita ang mga panlilinlang mo.

Umpisahan po natin ang pagtalakay sa pahayag niyang ito mga kapatid at kaibigan.

“Like you, I was surprised to learn that there are 12 Properties in Tarrant County alone under the name Iglesia Ni Cristo, Church of Christ.” 

Sa bahaging ito ay mayroon daw ikinagulat o ikinabigla si Antonio Ebangelista.  Nagulat daw siya nang malaman na may 12 properties na nakapangalan sa Iglesia ni Cristo sa “Tarrant County”.

Alin ba itong tinatawag na “Tarrant County”?

“Tarrant County is a county located in the U.S. state of Texas. As of the 2010 census, it had a population of 1,809,034.[1] It is the third-most populous county in Texas and the sixteenth-most populous in the United States. Its county seat is Fort Worth.[2]” (http://en.wikipedia.org/wiki/Tarrant_County,_Texas)

“coun·ty

ˈkoun(t)ē/

noun

  1. US

(in the US) a political and administrative division of a state, providing certain local governmental services.

  • a territorial division of some countries, forming the chief unit of local administration.

synonyms:

regionprovince, administrative unit, territorydistrictarea

“families from neighboring counties” (https://www.google.com.ph/webhp?sourceid=chrome-instant&ion=1&espv=2&es_th=1&ie=UTF-8#q=county+meaning)”

Ito po ay isang territorial divison na matatagpuan sa U.S State of Texas.  Hayag na katotohanan sa maraming tao lalo na sa mga kaanib sa Iglesia ni Cristo ang lubhang paglago o paglaganap ng Iglesia ni Cristo sa iba’t ibang panig ng mundo lalo na po sa Estados Unidos lalo na po sa mga panahong ito. Kaya napakahirap paniwalaan na itong si Antonio Ebangelista ay isang nananatiling Ministro hanggang ngayon. Bakit ho ito nakagugulat para po sa inyo Antonio Ebangelista kung kayo ay hindi nga nagpapanggap na Ministro ng Iglesia ni Cristo , na magkaroon ng mga properties ang Iglesia ni Cristo sa territoryong nasasakupan sa isa sa Estado ng Amerika samantalang sa panig ng mga kaanib sa Iglesia ni Cristo ay hindi po ito kagulat gulat o kabigla-bigla? Hindi din naman po nakagugulat na ang mga properties ng Iglesia ay SA MISMONG IGLESIA NI CRISTO nakapangalan. Alam na alam po namin ‘yun.

Saan ho ba nakita o natuklasan ni Antonio Ebangelista na ang Iglesia ni Cristo ay may 12 properties sa “Tarrant County” na nakapangalan sa Iglesia ni Cristo?

“Go to this website and search as Owner’s Name: Iglesia Ni Cristo”

ae1

ae2

ae3

ae4

ae5

Sa website po na ito:

(http://access.tarrantcounty.com/en/county/about-tarrant.html)

Ano pa daw ang lalong ikinagulat ni Antonio Ebangelista sa pamamagitan ng nasabing website?

“I was more surprised to see that 4 of these properties are REQUIRED BY LAW TO PAY TAXES. Now why on Earth would the Iglesia Ni Cristo, a religious organization have to pay taxes in 4 of it’s properties in Tarrant County…”

Apat daw po sa nasabing labindalawang properties ay nire-require na magbayaad ng taxes. Bakit daw na ang Iglesia ni Cristo na isang religious organization ay dapat magbayad ng taxes?

Antonio Ebangelista para po sa kaalaman ninyo ay sinunod ko po ‘yung imbitasyon ninyo na puntahan ang nasabing website. Natuklasan ko po na hindi lang po APAT NA PROPERTIES ang may binayarang TAXES kundi lahat po ng ipinakita ninyong properties ay may binayarang PROPERTY TAXES. Para po hindi malito ang iba, ang binabanggit po dito ni Antonio Ebangelista ay PROPERTY TAX.

Sino ba ang kinakailangang magbayad ng “property tax” ayon sa Batas ng Texas?

“All privately owned property in Texas, whether located in a big city or a sparsely populated rural area, is subject to property taxation by the county and school district in which it is located, unless specifically exempted by the Texas Constitution.” (http://www.tlc.state.tx.us/pubspol/localtaxes.pdf)

Ang lahat ng “PRIVATELY OWNED PROPERTY IN TEXAS” ay subject to “property taxation”. Hindi dahil sa nagnenegosyo o kumikita kaya nagbabayad ng property tax kundi ito po kasi ang itinatadhana ng Batas sa lahat ng may privately owned properties. Kung ang isang religious corporation ay magbayad ng property tax komo ito ay dapat na exempted, what bad Antonio Ebangelista?

Heto po kasi ang alam ko na doktrina ng Iglesia ni cristo:

“Kayo’y pasakop sa bawa’t palatuntunan ng tao alangalang sa Panginoon: maging sa hari, na kataastaasan;  O sa mga gobernador, na sinugo niya sa panghihiganti sa nagsisigawa ng masama at sa kapurihan ng nagsisigawa ng mabuti.” (I Pedro 2:13-14 ADB)

 

Ang pagbabayad ba ng tax ay ANOMALYA o KATIWALIAN? Kung ito ay katiwalian o anomalya, prove it. Post your reference na nagsasabi na ang isang religious organization na nagbabayad ng buwis sa kanyang mga property ay gumagawa ng katiwalian o anomalya. That’s your duty Antonio Ebangelista to show the burden of proof with your allegation concerning the anomalies and corruption against the side of Church Administration.

Alam po ba ninyo kung ano ang gustong patunugin ni Antonio Ebangelista kung bakit ang Iglesia ni Cristo ay kinakailangang magbayad ng property tax?

Heto po ang pahayag niya:

Now you might ask, why would the Iglesia Ni Cristo be taxed with Mineral Tax since we are only a religious organization and we are not involved in any business or trade involving minerals…. or are we…?

mineral tax

 

 

Kaya daw nagbabayad ng property tax ang Iglesia ni Cristo ay dahil sa tinatawag na “Mineral Tax” at indirectly ay pinatutunog niya na involve ang Iglesia ni Cristo in any trade or business.

Alin daw ba itong “Mineral Tax” batay sa ipinost ni Antonio Ebangelista?

“Mineral interests are defined by the Texas Property Tax Code as real property and are subject to taxes the same as all other real property.” (http://access.tarrantcounty.com/en/tax/property-tax/FAQs-Property-Tax.html)

 

Ito ay isang uri ng buwis na mula sa tinatawag na “Mineral Interests”  at kaya ito ay binubuwisan hindi sapagkat ito ay NEGOSYO O KOMERSYO O TRADE,  kundi ito ay itinuturing na “REAL PROPERTY” gaya din ng ibang real property na binubuwisan.  

Alin ba itong tinatawag na “ Mineral Interest”?

Mineral Interest refers to a possessor’s interest over the minerals buried in the property. An owner of a mineral estate is entitled to the right to develop, lease, receive bonus payments, receive delay rentals, and receive royalty payments. The possessor shall have the right to develop the minerals by exploration, drilling, production, transportation, storage, and marketing. However, such rights will persist only through the life time of the possessor.” (http://definitions.uslegal.com/m/mineral-interest/)

 

Ito ay tumutukoy sa karapatan at kapakanan ng nagmamay-ari ng mga mineral na nakabaon sa isang property. Ang may-ari nito ay MAY KARAPATAN NA MAGDEVELOP o MAGPAUPA O MAGPAARKILA AT ETC.

Ang Value ba ng Home at ng Mineral Interest ay magkasama ba sa binabayarang property taxes?

“Is the value of my mineral interest included in the value of my home for property taxes?  Why or why not?

The value of a mineral interest is not included in the value of the home.  The mineral interest is completely separate from the home.  It is an interest in a portion of the underground gas reservoir which may, and usually does, extend far beyond the boundaries of the lot upon which the home sits.” (http://access.tarrantcounty.com/en/tax/property-tax/FAQs-Property-Tax.html)

 

Magkahiwalay ang value ng Home at ng Mineral Interest sa pagbabayad ng property tax.  At doon sa nai-present ni Antonio Ebangelista ay wala siyang naipakita o maipakikita na doon sa labindalawang properties ng Iglesia ni Cristo na lumitaw doon sa website na kanyang binaggit ay may property tax na mula sa “Mineral Interest” o “Mineral Tax”.

 

Heto ang lumitaw nang i-search natin ang “name” ng Iglesia ni Cristo sa “Mineral Account”.

ALLANA1untitled

“No names found please include a comma

after the last name and search again.”

 

Nang i-search natin sa website na ginamit at ibinigay ni Antonio Ebangelista ay walang properties na lumitaw ang Iglesia ni Cristo na kabilang sa “Mineral Account” kaya ang “property tax” ay hindi mula sa binabanggit ni Antonio Ebangelista na “Mineral Tax”. At kung magbayad man ng “Mineral tax” ang Iglesia ni Cristo para sa kanyang mga property ay hindi nangangahulugan na ang Iglesia ni Cristo ay nagnenegosyo o nangongomersyo sapagkat maliwanag na ang “Mineral Interest” ay itinuturing na “Real Property” gaya ng ibang mga “Real Properties” na subject for property taxation ayon sa itinatadhana ng Batas sa Texas.

Samaktuwid mga kapatid at kaibigan ay hindi napatunayan ni Antonio Ebangelista ang kanyang alegasyon sa bahaging ito. Maliwanag po at muli nating napatunayan ang pandaraya ni Antonio Ebangelista para palitawin na ang Pamamahala sa Iglesia ni Cristo ay pumipihit na sa pag-nenegosyo o pagko-komersyo. Maliwanag na binibigyan lamang ni Antonio Ebangelista ng malisya at ng masamang impresyon ang pagbili ng Iglesia ni Cristo ng mga properties. At komo hindi niya mapatunayan ay gumagawa siya ng mga pandaraya sa kanyang mga inihahayag.

Akin pong ilalahad sa susunod ang aking karugtong na opinyon ukol sa artikulong isinulat ni Antonio Ebangelista na pinamagatang “The search for that BLACK GOLD called OIL – STILL NO PROOF?”

Muli ko pong patutunayan sa susunod ang MGA PANDARAYA NI ANTONIO EBANGELISTA sa kanyang artikulong ating tinatalakay.

Maraming Salamat po sa pagbibigay ng pagkakataon muli na mabasa ang mga inilahad kong opinyon.

 

ACV